Aller au contenu principal
Accès ouvert déclaré 2026 article

Karanasan ng mga guro gamit ang pagpapalit-koda sa pagtuturo ng asignaturang Agham at Matematika: Isang transendental penomenolohikal na pag-aaral

0Citations signalées — pas une note de qualité
1Institutions déclarées
1Pays d’affiliation déclarés

Résumé fourni par la source

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin at unawain ang mga karanasan ng mga guro sa paggamit ng pagpapalit-koda sa pagtuturo ng Agham at Matematika sa Sekundaryang Antas. Isinagawa ang pag-aaral gamit ang transendental penomenolohikal na disenyo ni Moustakas (1994), upang mailarawan ang esensyal na kahulugan ng karanasan ng mga guro. Gamit ang purposive sampling, pinili ang 12 kalahok na mga guro mula sa tatlong pampublikong paaralan sa Junior High School na nagtuturo ng Agham at Matematika. Sa pamamagitan ng in-depth interview, reflective journal, at thematic analysis, mula sa pagsusuri ay lumitaw ang mahahalagang tema tulad ng: pagpapalit-koda bilang estratehiya sa pagtuturo, bilang daan sa bagong pamamaraan ng pagtuturo, pag-aangkop ng wika sa pagtuturo at pagkatuto, epekto ng bilang ng estudyante sa paggamit ng wika, halaga ng galaw at ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto, pagtutok sa kapaligiran at komunidad bilang salik sa epektibong pagtuturo, at halaga ng komunikasyong guro at mag-aaral sa paglinang ng pag-unawa. Ipinakita ng resulta na ang pagpapalit-koda ay hindi lamang teknik kundi isang mas malawak na pedagogical response sa konteksto sa klase. Ginagamit ito ng mga guro upang mapaigting ang interaksyon, mapadali ang pag-unawa, at magbigay ng koneksyon sa lokal na konteksto ng mga mag-aaral. Sa kabila nito, binanggit din ng mga kalahok ang ilang hamon gaya ng pag-aalinlangan sa pormalidad ng wika at kakulangan sa gabay mula sa kurikulum. Inirerekomenda ng pag-aaral ang may sistematikong pagsasanay at suporta para sa mga guro sa paggamit ng pagpapalit-koda bilang bahagi ng kanilang kagamitan sa pagtuturo (pedagogical toolkit). Sa kabuuan, ipinapakita ng pag-aaral na ang pagpapalit-koda ay hindi hadlang sa epektibong pagtuturo kundi isang makabuluhang pamamaraan upang iakma ang wika sa kontekstong pang-edukasyon.

Ce résumé expose les affirmations des auteurs. BNTIC ne l’interprète pas comme une validation indépendante des résultats.

Contrôle bibliographique ouvert

DOI retrouvé dans Crossref DOI retrouvé ; titre concordant.

Titre Crossref
Karanasan ng mga guro gamit ang pagpapalit-koda sa pagtuturo ng asignaturang Agham at Matematika: Isang transendental penomenolohikal na pag-aaral
Date Crossref
01/01/2026
Éditeur
Hollyfield Publishing Services
Type
journal-article

Ce recoupement confirme des métadonnées liées au DOI. Il ne confirme ni la méthode ni les conclusions de l’étude et ne compte pas comme une seconde source scientifique indépendante.

Institutions déclarées

Une affiliation ne permet pas de déduire la nationalité d’un auteur.

Sujets associés

E-Learning and COVID-19Educational Theory and Curriculum StudiesEducation and Vocational Training

BNTIC News n’est pas le producteur de ces données. Exploration à la demande auprès d’OpenAlex, avec contrôle bibliographique public par Crossref. Aucun service payant requis, aucune réponse conservée. Sources et limites.